Ang buwan ng Agosto ay buwan ng wika, dahil diyan susubukin kong isulat ang sanaysay na ito sa ating kinikilalang pambansang wika – Filipino, nang hindi masyadong umaasa sa diksyunaryo o, paumanhin po, sa... GOOGLE TRANSLATE. At sa bawat tatlong tuldok na magkakasunod na makikita niyo, hindi ito paggamit ng ...ELLIPSIS... kundi katumbas ng pagtigil sandali upang isipin kung ano ang susunod na sasabihin. At ang mga salita naman sa malalaking titik ay mga salitang wala talaga akong ma-isip na katumbas sa Tagalog. At nawa’y hindi masyadong guluhin ng MICROSOFT WORD AUTO-CORRECT FEATURE ang sanaysay na ‘to.
Tagalog ang unang wikang natutunan ko, lumaki ako sa... PROJECT 6... dun sa may bahagi ng... ROAD 7... na kung tawagin ng mga galing sa ibang parte ng aming baranggay ay... SQUATTERS’ AREA. Kabilang ako sa henerasyon ng mga Pilipinong naaalibadbaran kapag nakakarinig ng mga kapwa Pilipinong nag-uusap sa wikang Ingles, puro man o ‘yung tinatawag nating TAGLISH, o pinag-halong Tagalog at Ingles. Napapangiwi din ako ‘pag nakakrinig ng “LET’S EAT na lang AT THE turo-turo,” o di kaya’y “HERE BABY, mag-EAT ka na, tapos mag-TAKE A BATH KA, OK?” Dahil sa Maynila noon, ang pananaw ng mga tao ay ‘pag nag-i-Ingles ka, siguro edukado ka, o ‘di kaya’y mayaman –sosyal, o pa-sosyal.
‘Yun ay hanggang mapadpad ako sa mundo ng teatro, kung saan kadalasan ay Ingles ang usapan ng mga tao. Kahit nasa wikang Tagalog ang dula, maririnig mo ang direktor na magsasabing “sa linyang ‘yan YOU CROSS TO DOWN STAGE RIGHT, PAUSE FOR FIVE BEATS, THEN SIT.” Bilang artista at... STAGE MANAGER... noon sa Tanghalang Pilipino ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, takot akong makipagsabayan sa balitaktakan sa Ingles dahil nga baka maubusan ako ng salita. Pero pagkaraan ng ilang taon sa Teatro, at maiksing panahon sa industriya ng... ADVERTISING... (pananalastas? Pwede.), ay unti-unti rin akong natutong mangusap sa Ingles.
Hanggang makilala ko ang aking kabiyak na tubong Baguio kung saan bihasa sa wikang Ingles ang mga tao. Dahil siguro dati itong isang HILL STATION na bakasyunan ng mga Amerikanong sundalo at mga opsiyal ng gobyerno nung unang bahagi ng 20TH CENTURY. Noon, dito sa Baguio, kung hindi Ilokano, Ingles ang salita ng mga tao. Kabaligtaran ng sa Maynila – sa Baguio noon, ‘pag nag-Tagalog ka, pa-sosyal ka. Natuto akong bumili ng SOY imbis na toyo. At kung minsan, maski Ingles na yung salita, ini-Ingles pang lalo, tulad ng sigarilyong CAMEL, na kung bigkasin ng karamihang sa mga tindera ay key-mel.
Ngayon, lumaki ang mga anak ko na ang unang lengwahe ay Ingles, dahil yun ang kulturang inabutan nila sa lugar na kinalakihan nila. Kung dati’y hiyang-hiya akong mag-Ingles dahil hindi ako masyadong bihasa dito, sila nama’y nahihiyang mag-Tagalog. Ito ang kanilang binubuno ngayon – ang matutong mag-Tagalog.
At kapag natuto na sila, hindi na nga ba sila maaaring ituring na higit pa ang amoy sa malansang isda, tulad ng sinabi ni Jose Rizal ukol sa mga taong hindi marunong magmahal sa sariling wika?
Pero teka, paano nga naman natin mas maisasapuso ang wikang Filipino e mula sa paglabas mo ng GATE, hanggang sa pagsakay sa JEEP, ang lahat ay tila nangungusap sa’yo sa wikang Ingles – “FARE: 8.50 REGULAR, 7.50 FOR STUDENTS AND SENIOR CITIZENS,” “NO I.D. NO DISCOUNT,” GOD KNOWS JUDAS NOT PAY.” Sa lansangan naman, “NO PARKING,” “LOADING/UNLOADING ONLY,” “APARTMENT FOR RENT/TRANSIENTS,” at sa PARKING LOT ng SM CITY BAGUIO: “GOVERNMENT VEHICLE, FOR OFFICIAL USE ONLY.” Saan tayo mamamasyal, sa BURNHAM PARK, ATHLETIC BOWL o sa BOTANICAL GARDENS?

Ilan nga ba sa atin ngayon ang tunay na marunong, o kahit na komportable man lang na mag-Filipino?
NATIONAL LANGUAGE o Pambansang Wika natin ang Filipino, e bakit hindi natin ginagamit? Alam ng kahit sinong tagpag-turo ng mga wika na ang pinaka-mainam na paraan upang maging bihasa sa isang lengwahe, at itaguyod at pagyamanin ito, ay ang paggamit nito – hindi lang isang buwan sa isang taon.
Handa nga ba tayong pumunta sa Daang Session o Abenida o Kahabaan ng Magsaysay, o kumuha ng cedula sa Bulwagang Panlunsod, tumakbong mabagal paikot sa Mangkok na Pampalakasan?
Oo nga pala, SEE-TOP BAGUIO? ‘Yan ang tawag ng ating mga HONORABLES sa Siyudad ng Baguio.

No comments:
Post a Comment