Monday, January 26, 2015
Pagpapahayag ng dalamhati at pasasalamat sa pakikiisa
Hindi po namin ninais ang kahit ano maliban sa maiparating sa mga kinauukulan ang aming dalamhati sa walang saysay na pagkaputol ng mga puno sa Luneta Hill.
Ang sa amin lamang po ay hindi makatuwiran na bale-walain ang kapakanan ng mas nakararami para lamang sa kapakanan ng isang korporasyong siya nang pinakamayaman sa buong bansa.
Hindi rin namin pinipigilan ang SM na magpayaman pa kung nais talaga ng pamilya Sy na mas yumaman pa sa kabila ng pagiging pinakamayaman nang pamilya sa buong bansa. Huwag lamang sana sa paraang makakasakit sa iba.
Sa mga hindi sumasang-ayon sa aming paniniwala't prinsipyo, hindi po natin kailangang magtapon ng mga bintang na walang batayan at walang katotohanan. Gayunpaman, nawa'y nagkakaisa tayo sa mithiing isulong ang tama at makatarungan at mga adhikaing ikabubuti ng ating komunidad, ng ating bansa, ng daigdig.
Maraming salamat po sa mga naki-isa. Mabuhay po kayo.
Mabuhay ang Baguio, ang mga taga-Baguio, ang kalikasan at ang kinabukasan nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Art and the art of making bacon
First of all, if you're one of those whose basic understanding of acting is that it's about pretending, don't get me started. I...
-
Newly elected senator, Grace Poe, is reportedly mulling the legalization of marijuana. If this actually gets to the senate floor at all, we...
-
We heard that there's a new guy on top of the Baguio City Police Office, I just hope he can do something about these clowns: You can...
No comments:
Post a Comment